• BULGAR

Solb na solb daw siya, AlDub fans… JANINE, UMAMING 'DI MAKALIMUTAN ANG GINAWA SA KANYA NI ALDEN

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

NGAYONG patapos na ang Victor Magtanggol, isa sa mga mami-miss ni Janine Gutierrez ang pag-aalagang gina­gawa sa kanya ng leading man na si Alden Richards.

Ayon kay Janine, isa nga sa mga hindi niya makakalimutan ay ‘yung Japan trip nila kung saan kinunan ang pilot week ng VM. Kumain daw sila sa isang resto pero hindi niya nagustuhan ang food.

Ang ginawa raw ni Alden ay pinasarap ang pagkain niya para magustuhan ito.

“Nilagyan niya ng lemon, pa­rang tinimplahan niya, tapos ang sarap na. Sabi ko, ‘Ang galing!’ Sabi niya, ‘Oo, ganyan talaga ‘yan ‘pag seafood, dapat lagyan mo ng lemon,’” kuwento ni Janine nang makatsikahan namin sa set visit ng VM last Monday.

At talaga naman daw nasara­pan siya sa food na inayos ni Al­den dahil naubos niya ito.

“So, ‘yun ang mami-miss ko, ‘yung mga ganu’ng maliliit na moments. Very sensitive siya sa mga tao, eh. Alam niya kung parang masaya ka or hindi ka okay, at talagang maasikaso siya sa lahat ng tao,” dagdag pa niya.

Kaya sobrang thankful daw siya na nakatrabaho niya si Alden.

“Sinabi ko nga sa kanya na nagpa­pasalamat ako talaga sa alaga na hindi naman namin hiningi sa kanya pero kusa niyang ibinibigay sa lahat ng tao.

“And I’m so happy that I got to work with him kasi siya talaga ‘yung taong kahit pagod na pagod na siya, kahit pasikat na ‘yung araw at naka-Hammerman costume pa siya, talagang hindi mo siya makikitang magreklamo.

“And sobrang saludo ako sa kanya at alam ko kung bakit mahal na mahal siya ng mga tao. And I really wish all the best for him. Sana, magtuluy-tuloy ‘yung mga projects na magpapasaya sa kanya and patuloy lang ang success,” pahayag pa ni Janine.

20 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.