Search
  • BULGAR

Mas gusto pa raw lumayas sa 'Pinas, Cesar…DIEGO, 'DI MASAYA 'PAG DUMARATING ANG PASKO

Julie Bonifacio / WINNER!

IDINENAY na ni Diego Loyzaga ang balitang nagtangka siyang magpakamatay. Pero, marami pa ring taga-showbiz ang umaasa na malalampasan ni Diego ang anumang pinagdaraanan niya.

Patunay lang din ito na marami ang nagmamalasakit kay Diego. Pati ang mga entertainment writers na nakausap namin sa isang presscon ay nagpakita ng pagkabahala and concern sa anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Sa huling interbyu namin kay Diego sa grand presscon ng teleserye niya sa ABS-CBN, ang Los Bastardos, mukhang excited at masaya naman siya. Saktung-sakto raw na may serye siya dahil may pagkakabisihan siya during the ‘ber’ months.

“I don’t know if some people gets this too. I don’t know if I’m the only person na nakakuha ng ganito. Pero along the ber months, parang ah, I get an off feeling. Parang I’m not a Christmas kind-of-guy. So, I’m happy nga na I have work during the ber months.

“So, being busy during the ber months will definitely keep me happy, keep me busy, keep me focused,” lahad ni Diego sa amin.

Tinanong namin siya kung bakit ‘di niya feel ang ‘ber’ months.

“It’s a psychological thing actually explained to me by a doctor. It’s something that you get when you’re younger. Parang bubog mo sa buhay. Pero I’m not saying in a negative way, huh? It is something na alam ko lang ‘pag ber months, yeah (pause niya), you all know my story. I don’t have to explain it,” diin ni Diego.

We asked him again kung may kinalaman ‘yung pagiging malayo niya sa kanyang ama nu’ng lumalaki siya sa Australia sa mga pinagmulan ng nara­ramdaman niya tulad ng sinabi ng kanyang doctor.

“Let’s not put into words,” sagot sa amin ni Diego.

Ano ‘yung hugot niya ‘pag ‘ber month’? Puwede ba ni­yang i-share?

“Ahhmm... It’s just the whole... ‘yun na nga, the whole ‘Christmasy’ vibe. Ganu’n. I’d rather be out of the country,” pag-amin ni Diego.

Dagdag pa niya, “Pansinin ninyo, guys, I’m always traveling during the ber months. Iyon na lang iyon.”

Hmmm... ‘lam kaya ‘to nina Cesar at Teresa?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.