• BULGAR

Hindi nagbabayad ng buwis | 2 financiers ng LP, lagot!

BOBI TIGLAO / BANAT

GUSTONG paimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources ang dalawang malalaking backer ng Partido Liberal na si Caloocan City Rep. Edgar Erice at ang negosyanteng si Eric Gutierrez, dahil sa hindi nila pagbabayad umano ng tamang buwis.

Pormal na humingi ang DENR ng isang imbes­tigasyon laban kina Erice at Gutierrez na siya ring may-ari ng SR Metals, Inc. (SRMI), isang malaking mining firm sa Agusan del Norte, ang reklamo ng DENR ay ipinadala sa De­part­ment of Justice, Bureau of Internal Re­venue at Bureau of Customs.

Ayon sa DENR, lagpas sa limitasyong 50,000 tonelada ang produksiyon ng nickel ore ng SRMI at maaari rin daw na hindi ito nagbayad ng tamang bu­wis sa P28 bilyon na kinita nito sa operasyon.

Gayundin, hiniling ng DENR sa Bureau of Cus­toms na suriing mabuti kung nagbayad ang kum­panya ng Customs duties at iba pang buwis sa mga export na nickel papuntang China.

Dapat daw tingnan ng BOC kung may un­der­valuation at misdeclaration sa mga nickel na ibine­benta nila sa labas.

Kontrobersiyal talaga ang SRMI, lalo na nang napabalita noong naging financial backer ang mga ito ng Liberal Party nina dating Pa­ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Mar Roxas.

Malaking pera raw ang ibinigay ng SRMI nina Erice at Gutierrez sa kampanya sa pagka-pangulo ni Roxas at sa kampanya ni ex-P-Noy noong 2010.

Napabalita noong kampanya para sa Mayo 2016 eleksiyon na ginagamit ni Roxas ang heli­copter at mga eroplano ng SRMI para sa kan­yang paglilibot sa bansa.

Madalas ding mabanggit ni Pangulong Rod­rigo Duterte si Gutierrez kapag nagbibigay siya ng ehemplo ng mga negosyanteng hindi nagba­bayad ng buwis sa gobyerno.

“Tingnan mo itong si Gutierrez, isa pa ‘yang oligarch”, sabi ni P-Duterte. “Nagpasok ng ero­plano, walang bayad. Nagpasok ng chopper, wa­lang bayad. Nagmina sa Agusan, sinira ‘yun,” dagdag pa nito. Ayaw ni P-Duterte sa industriya ng minahan dahil sinisira nito ang kapaligiran at kalikasan ng ating bayan.

Hindi raw sapat ang ipinapasok na pera ng mga operasyon ng minahan kung ikukumpara sa mata­galang pagkasira ng ating mga kabun­dukan, kagu­batan, lupain at maging ang tabin-dagat.

Pinag-aaralan ngayon ng Malacañang kung itutulak nito ang isang total ban sa mining sa susunod na taon, pagkatapos ng Mayo 2019 elek­siyon. Kaila­ngan kasi ng isang bagong batas kung itutuloy ito.

May isa pang malaking akusasyon laban sa SRMI na hindi raw ito ang tunay na may-ari ng minahan sa Tubay at na-”swindle” lang diuma­no ang tunay na may-ari na si Rodney Basiana ng Basiana Mining Exploration Corp.

Ayon kay Basiana, nagpadala na sila ng opisyal na reklamo sa DENR, nalinlang daw siya ng SRMI. Ginamit diumano ng kumpanya nina Erice at Gutierrez ang mga dokumento ng Basiana para sila ang magmina sa lugar ng Barangay La Fraternidad.

Dagdag pa ni G. Basiana, siya at ang kan­yang ama ang may hawak ng tunay na Mineral Production Sharing Agreement, mga permit na ibinigay ng gobyerno para magmina sa 81 ektaryang lupain sa Tubay. Noong Hunyo 1997 pa hawak ng Basiana ang lugar na ito.

Nagkamali lang sila nang nakipagsosyo sila sa Manila Mining Corp. at pagkatapos ay biglang nakapasok ang SRMI. Nag-file raw ng aplikasyon si Erice noong Hulyo 2006 para sa lugar na hawak ng Basiana at ginamit pa raw ang resibo ng Basiana para maangkin ang mina­han.

“Sa loob ng isang dekada, kumita ang SRMI ng P28 bilyon galing sa nickel ore na ipinadala nila sa China, ayon na rin sa rekord ng Philip­pine Ports Au­thority at Mines and Geosciences Bureau,” sabi ni Basiana.

May isinampa ng kasong falsification of do­cuments laban kina Erice, Gutierrez at iba pang opis­yales ng SRMI sa Surigao City Prosecutor’s Office.

Kawawa ang kumpanyang Basiana, na isa lamang maliit na kumpanya o small-scale miner mula sa Agusan. Kalaban nila ang SRMI, isang malaking korporasyon na may “konek” sa mga taga-Liberal Party.

Matulungan kaya ng administrasyong Duterte ang small-scale miner na ito? Kilos na DOJ, BIR at Bureau of Customs!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.