Search
  • Levi Gonzales

Estudyante pinasok sa bahay, tinodas

DEDBOL ang isang estudyante matapos barilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang silid sa Leveriza Heights Subd., Bgy. Isabang, Tayabas City, Quezon.

Batay sa inisyal na ulat, alas-11:50 ng umaga habang natutulog ang biktimang si Cer Olliriz Alcala, 25, nang pasukin siya ng mga suspek.

Agad siyang binaril nang malapitan gamit ang hindi pa matukoy na baril bago nagsitakas.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo na dinala pa sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay. Sinasabing dating nakulong ang biktima kaugnay ng kasong may kinalaman sa iligal na droga. Gayunman, patuloy ang pagsasagawa ng imbetigasyon upang matukoy ang nasa likod ng krimen at mo-tibo sa insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.