top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Malinaw ayon sa birthday...BINATANG NAKATAKDANG MAGING MAPALAD SA PANAHON NG TAG-ULAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2018
2 min read

Dear Maestro,

Matagal na akong tu­mataya sa lotto, pero hang­gang ngayon ay hindi pa rin ako nananalo ng jack­pot kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.

Gusto kong malaman kung ano ang mapapalad kong numero dahil balak ko nang palitan ang mga numerong inaalagaan ko?

Bukod sa masusuwer­teng numero, gusto ko ring ma­la­man kung ano ang aking mapalad na mga araw at petsa, gayundin ang kulay ng damit na dapat kong isuot kapag ako ay tataya? November 16, 1970 ang birthday ko.

Maraming salamat!

Umaasa,

Raph ng Rizal, San Marcelino, Zambales

Dear Raph,

Ayon sa birth date mong 16 kung saan ang 16 ay 1+6=7 sa destiny number na 8 (11+16+1970=1997/ 19+ 97=116/ 11+6=17/ 1+7=8) at sa zodiac sign mong Scor­pio, ikaw ay mapalad sa mga kulay berde at pula.

Dahil ang 16 o 7 ang birth date mo, ikaw ay naka-under sa elementong tubig. Ibig sabihin, ikaw din ay magiging mapalad sa panahon ng tag-ulan.

Kaya mas mainam na mag­hintay ka ng panahong maulan o bumabagyo dahil sa panahong nabanggit ay bigla kang tatama ng malaking halaga sa isang uri ng number games na hindi mo inaasahan, habang bumabaha sa mga pangunahing lansangan o kaya ay nananalasa ang malakas na hangin at ulan sa kapaligiran.

At dahil tubig ang iyong ruling element, dapat lamang na sa tuwing tataya o maki­kipagsapalaran ka sa kahit anong uri ng number games, ituon mo ito sa panahong pu­mapatak ang ulan sapagkat tulad ng nasabi na, tubig ang iyong kaibigan na magbibi­gay sa iyo ng biglaang su­werte at magagandang kapa­la­ran.

Bukod sa numero ng tu­big na may sumatutal na 7 at 2, ikaw din ay mapalad sa mga numerong 16, 7, 25, 34, 43, na siyang sarili mong num­ber dahil ang lahat ng nabanggit na numero ay may sumatutal na 7.

Bukod sa numerong 7 na inirerepresenta ng tubig, ang numerong may sumatu­tal na 2, tulad ng 11, 20, 29, 38, 47 at iba pang numerong kauri nito ay numero rin ng tubig.

Kaya sa pagpili mo ng mga numerong tatayaan, pa­lagi mong isasaalang-alang ang dalawang numero ng tu­big — ito ay ang mga nu­me­rong may sumatutal na 2 at 7.

Bukod sa mga numero ng tubig, mapalad ka rin sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31 na siya namang numero ng araw, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Linggo at Sabado.

Samantala, buwenas ka rin sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25 na siya na­mang numero ng buwan, hi­git lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Lunes at Huwebes at nagkataon pang full moon.

Kusa namang magiging mabuti ang lagay ng iyong kapalaran, bukod sa panahon ng tag-ulan, mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Hunyo hang­gang sa ika-25 ng Hulyo.

Kung susundin mo, Raph, ang mga simpleng re­komen­dasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap nga­yong taong 2018 hang­gang sa susunod na taong 2019, sa edad mong 48 pataas, biglaan ang magaganap — makukuha mo na ang dambuhalang jackpot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page