Search
  • ROMA AMOR

Lalaking hindi makahanap ng perfect timing para maligawan ang kababata

Dear Roma,

Ako si Ralf, 25 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil hin­di ko alam kung itutuloy ko ang balak kong pan­li­ligaw sa kababata kong si Ana? Matagal ko na si­yang gusto kaya lang nag­ka­roon siya ng boyfriend at dahil du’n, hindi ko na siya niligawan. Ako ang nagiging sandalan niya sa tuwing may problema siya, lalo na noong mga pa­­nahong sobrang lung­kot niya dahil sa paghihi­walay nila ng ex niya, pero hindi ko alam kung nara­ramdaman ba niya na gus­to ko siya? Natatakot kasi ako na baka sa oras na magtapat ako ng nara­ram­daman ko para sa kanya, eh, masira ang pi­nagsamahan namin. Ano ang dapat kong gawin? — Ralf

Ralf,

‘Ika nga nila, kapag manliligaw ka, dapat handa ka sa anumang maa­aring mangyari, sagutin ka man o hindi. Maipapayo namin sa iyo na huwag mo nang sayangin ang pagka­ka­taon na single siya dahil sa oras na magkaroon na siya ng boyfriend, tiyak na masasaktan kang muli. Kaya naman kung sakaling hindi ka niya sagutin, hindi ka dapat malungkot dahil mas magsisisi ka kung hindi mo siya niligawan. Hiling namin na magkaroon ka ng lakas ng loob upang mali­gawan mo na ang kababata mong si Ana. Good luck at God bless sa iyo!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.