• Gina Pleñago

Kagawad pinagbabaril, dedbol

NIRATRAT hanggang sa mapatay ang 61-anyos na barangay kagawad ng hindi pa kilalang suspek sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa kalibre .45 si Wel­fredo Dimaculangan, ng Bgy. 128, Zone 13.

Isang follow-up opera­tion ang isinagawa para sa pagkakadakip sa suspek.

Base sa report na naka­rating kay Pasay City Police Chief Sr. Supt. Noel Flores, nangyari ang pamamaril alas-7:10 kamakalawa ng gabi.

Nakatayo ang biktima nang sumulpot ang gunman at agad pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

12 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.