Search
  • Lourdes Abenales

DILG iginisa sa Senado | P9.5 BILYONG BUDGET KADA TAON, HINDI NAGAGASTOS


IGINISA ng ilang sena­dor ang mga opisyal ng De­part­ment of Interior and Local Government (DILG) dahil sa underspending budget ng mga ito kada taon.

Base sa pagdinig ng Se­nate Committee on Finance, umaabot umano sa P9.5 bilyon kada taon ang hindi nagagastos ng DILG at na­pupunta lang ito sa National Treasury.

Dahil dito, sinermunan nina Senador Panfilo Lacson at Senadora Loren Legarda si DILG Secretary Eduardo Año, dahil hingi umano sila nang hingi ng malaking bud­get sa Senado tapos mala­laman nila na kada budget delibe­ration kada taon ay may un­derspending ang ahensiya.

Pinuna rin ni Lacson na tila hindi nakararating ang lahat ng pondo ng DILG sa Local Government Units dahil ta­pos na ang budget sa Kon­greso, roon pa lamang ina­ayos ng ilang LGUs ang ka­nilang pondo.

Dagdag pa ni Legarda, may ilang mga barangay level official ang lumalapit sa kanya na humihingi ng tulong para sa mga proyekto na dapat sana ay kasama na ito sa pondo na inilaan ng Kongreso sa DILG.

Napuna rin ng senadora ang paghingi rin ng tulong ng lokal na opisyal sa ilang kongresista para sa kanilang mga proyekto na dapat sana ay kasama na rin sa pondo na ibinibigay ng Kongreso sa DILG.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.