- Paul Lamsen
Bf nakabuntis, bebot nag-suicide
PATAY ang isang babae makaraang maglaslas ng kanyang pulso sa Ilocos Norte.
Kinilala ang nasawi na si Gemma Lacdan, 24, residente ng Bgy. Asin. Alas-8:00 ng gabi nang madiskubre ng mga kaanak na nakabulagta sa loob ng banyo at duguan si Lacdan.
Isinugod ito sa ospital subalit, sa layo nito ay naubusan ng dugo ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nabatid na matagal nang dinaramdam ng dalaga ang nangyari sa kanyang nobyo na nakabuntis ng iba.
0 comments