- BULGAR
Pabahay para sa mga na-'Yolanda', buking na substandard, buwisit!
KA AMBO / BISTADO
IBINUNYAG mismo ni dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino na substandard ang housing projects para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
‘Yan ang totoong expose!
◘◘◘
MALAKI ang tama ni Tolentino na paimbestigahan ang naturang housing projects.
Biktima na, biniktima pa!
◘◘◘
SA totoo lang, hindi lang sa Leyte may ganyang problema, bagkus, sa lahat ng housing project sa ilalim ng National Housing Authority (NHA).
Malinaw ang mga ebidensiya r’yan, pero walang nakakasuhan at nakukulong!
◘◘◘
HINDI lang ang housing projects ang raket ng NHA, bagkus, maging ang “pagbili at pagbenta” ng lupain na tinitirikan ng housing projects.
Binibili sa “murang halaga” ang mga idle lot pero, pinababayaran ng P1,000 ibayo (thousand times) ang halaga ng lupa sa gobyerno.
◘◘◘
KARANIWANG overpriced ang mga ekta-ektaryang lupain na hinahati-hati sa lote na gagawing 50-square meter, 70-square meter o 100-square meter na pinalolobo ang presyo na binabayaran o ginagastusan ng gobyerno.
Ang “row houses” ay mistulang kural ng kalabaw, kabayo at baboy na sobrang sikip at may mahinang pader.
◘◘◘
MALILINAW ang ebidensiya rito, pero, bakit hindi binubuwag ang NHA na sinasabing kakutsaba sa “dambuhalang raket” na ang biktima ay ang mga “biktima ng trahedya”, mahihirap at mga benepisaryo tulad ng mga sundalo, pulis at maralitang mamamayan?
Dapat lang sundin ang hiling ni Tolentino, imbestigahan ang housing projects sa Tacloban!