top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MMDA Chairman Lim, talupan sa P10 million 'stairway to heaven' footbridge!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2018
2 min read

SIBAKIN SI DANNY LIM DAHIL SA P10 MILYONG EDSA ‘STAIRWAY TO HEAVEN’ FOOTBRIDGE — Dapat sibakin ni P-Duterte si MMDA Chairman Danny Lim tungkol sa kabulastugang ginawa nito nang magpagawa ng mistulang “stairway to heaven” na footbridge sa EDSA worth P10 million.

Mantakin ninyo, ginastusan ng P10 milyon ang footbridge na ‘yan para pahirapan ang mga taxpayer na daraan d’yan.

At hindi lang pagsibak ang dapat gawin kay Lim kundi dapat din itong paimbestigahan ni P-Duterte kung bakit inabot ng P10 milyon ang footbridge na ‘yan, gayung tawid-EDSA lang ito, buwisit!

◘◘◘

3 KANDIDATONG DDS SA PAGKA-SENADOR, ‘LAGLAG’ KAY SARA—Tatlong DDS (Duterte Diehard Supporters) na kandidato sa pagka-senador na sina Freddie Aguilar, Rafael Alunan at Atty. Larry Gadon ang ‘laglag’ sa senatorial line-up ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa 15 kandidato kasi sa pagka-senador na inendorso ni Mayor Sara ng ”Hugpong ng Pagbabago” (HNP) ay hindi kasama ang pangalan nina Aguilar, Alunan at Gadon.

Dahil d’yan, pihadong naghihimutok na sina Aguilar, Alunan at Gadon kasi DDS sila at sobra kung makasipsip kay P-Duterte tapos basura lang pala sila sa anak ng pangulo, saklap!

◘◘◘

MAS TYPE NI P-DUTERTE NA MANALO ANG TAGA-NP KAYSA KAPARTIDO NIYA SA PDP-LABAN SA TAGUIG—Kung laglag kay Mayor Sara sina Aguilar, Alunan at Gadon, laglag naman kay P-Duterte ang kapartido niya sa PDP-Laban na si Congressional candidate Allan Cerafica ng Taguig City.

Laglag kasi imbes na si Cera­fica ang ien­dorso ni P-Duterte dahil magkapartido sila, eh, ang inen­dorso ay ang Nacionalista Party (NP) Congressional candidate na si ex-DFA Sec. Alan Peter Cayetano.

Ang matindi pa, hindi lang basta inendorso ni P-Duterte ang kandidatura ni Cayetano kundi pinakapuri-puri pa ito na kesyo napakaganda at maraming repormang nagawa raw sa DFA na indikasyong mas gusto ng pangulo na manalong kongresista ng Taguig ang kandidato ng NP na si Cayetano kaysa kapartido niya sa PDP-Laban na si Cerafica, aray!

◘◘◘

‘TARA’ COLLECTION SA CUSTOMS, TULOY PA RIN—Tuloy pa rin daw sa panghihingi ng payola sa smugglers sa Bureau of Customs ang “tara” collectors na sina “Alex Taba” “Josephine”, “Tots”, “Arjay” at “Ara”.

Tingnan nga natin kung kayang ipa-”tokhang” ni newly appointed BOC Commissioner Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero ang “tara” collectors na ito, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page