Search
  • Mylene Alfonso

LP at Noynoy, sabit | KONTROBERSIYAL NA MINAHAN, TATALUPAN — BIR


ISANG minahang pi­natatakbo umano ng mga ‘crony’ ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang nahaharap sa kaso ka­ugnay sa pagpapadala ng mga nickel ore na nagkaka­halagang bilyun-bilyong piso papuntang Tsina.

Nagsimula umano itong i-export noong 2006 na pi­naghihinalaang misdeclared o iniba ang deskripsiyon upang makatakas sa baya­ring buwis sa Bureau of Cus­toms.

Sa isang sulat kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña, hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources ang BoC na tingnan ang pinaghi­hinalaang undervaluation at misdeclaration ng mga nickel ore shipment papuntang Tsi­na na diumano’y prino­seso ng bilyunaryong mining magnate na si Eric Gutierrez ng S.R. Metals, Inc.

Ito umano ang isa sa mga nagpondo sa pagtakbo ni Aquino bilang pangulo noong 2016 at naging ingat-yaman din ng Liberal Party.

Kaugnay nito, sa 10 ta­ong nakalipas mula noong 2004, nakakuha umano ang SRMI ng higit sa P28 bil­yong halaga ng benta sa mi­neral na walang mga rekord ng gobyerno ng pagbabayad ng buwis sa alinman sa LGU ng Agusan del Norte o ng pam­bansang pamahalaan.

Ayon sa DENR, nakita­an ang SRMI ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na lumampas sa 50,000 to­nelada na pinapayagan ang taunang volume para sa isang maliit na minero at dahil dito, si dating DENR Secretary Angelo Reyes ay nagbigay ng pagti­gil at desist laban SRMI.

Base ito sa reklamong ipi­­nadala sa DENR nina Rod­ney Basiana ng Basiana Mining Exploration Corp. (BMEC) at DENR under­secretary for climate change service and mining concerns na si Atty. Analiza Rebuelta-Teh. Kaya kailangang ting­nan ng BIR ang mga pana­nagu­tan sa buwis ng SRMI at mga kaanib nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.