Ginawang batas sablay, batang kriminal lumala — Digong | KIKO, PINAKABOBONG abogado!
- Mylene Alfonso
- Nov 12, 2018
- 1 min read

MULI na namang sumabog si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, makaraang tawaging “pinakabobo” dahil sa pagkakapasa ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o ang batas na nagpapalaya sa mga menor-de-edad na sangkot sa krimen.
Batay sa ilalim ng batas, hindi maaaring makulong ang 15-anyos pababa na nasasangkot sa krimen at iba pang paglabag.
“Make sure that your argument is also better than mine because if you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well I’m sorry, better shut- up,” pahayag ng pangulo.
“Wala ka talaga. Ikaw ‘yung abogado nalaman kong pinakabobo sa lahat. I will — I’m not — I’m not trying to destroy him. But I will — in two minutes, I will destroy him,” ani P-Duterte.
“Pinasa niya ang batas sa Juvenile Law… Fifteen years old, hindi mo makulong. Doon tayo nagkaroon ng great injustice,” sabi pa ng pangulo. Sa kabila nito, wala naman aniyang intensiyon ang pangulo na sirain ang pagkakaibigan nila ni Pangilinan ngunit, hindi umano makatwiran ang batas na tila kinukunsinte lang ang mga menor-de-edad na nagkakasala.
“Labas-pasok all throughout of the country. Ang nagkasala, rape with homicide, balewala… Mag-isip lang kayo noon pa hindi pa panahon sa batas ni Pangilinan at ngayon... Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.





Comments