- Green Lantern
TONTONEETO AT AMELIA

PASISIBATIN ngayong araw ng Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City Batangas ang PHILRACOM Rating Based Handicap System Race, may 12 magagandang karera kaya pag-aralan na natin at ng makasilip tayo ng dehado.
Panolo si Can You Giub, (7) sa unang race, pili tayo sa forecast na Chrism, (9) at Persian Princess, (4). Tingin ko balikatan ang labanan nina Hello Junior, (2) at magkakamping Joy Joy Joy, (5) at Daldalero, (5A) sa Race 2.
Magandang pang-ibabaw ang magkakuwadrang sina Pabulong, (2) at WarLock, (2A) sa Race 3 habang pandehado natin si Light And Shade, (4). Kunin natin sina Baisakhi, (1), Allbymyself, (6) at Always On Time, (4) sa Race 4.
Pili ko sa Race 5 si Rafa, (5) habang malaki tsansang sumalikwat nina Tontoneeto, (6) at Amelia, (7). Kursunada ko sa Race 6 si Katana, (3) habang pili sa forecast kina Azarenka, (1) at Karangalan, (5).
Angat sa laban ang nagkakamping sina Janz Music, (1) at Red Gold, (1A) sa Race 7, magandang pandehado sina Sense Of Rythm, (7) at Boundary, (5).
Kay The Barrister ako sa Race 8, puwede n’yo isama sina Pax Britannica, (4) at SkyMarshall, (7). Sa Race 9, kunin na natin sina Princess Jem, (1) at Goldbar, (2), malaki ang tsansa nating makapuntos diyan. Maraming kabayo ang kasali sa Race 10, kay Show The Whip, (4) na rin ako, pandehado ko sina Yoshiko, (9) at Prince Uno, (10) at Sir Jason, (10A).
Single ako sa magkakuwadrang Helushka, (1) at Jersy Crown, (1A) sa Race 11, habang sa Race 12 ay sina Dragon Fire, (1) at More Stripes, (1A) ang sipat ko, pili na lang sa forecast na Royal Chica, (6) at Lundagin Mo Baby, (2).
Mga tropang karerista, asintahin n’yo na mga pili ko at sana palarin tayo ngayong Linggo. Good Luck!