- BULGAR
Pumalag sa warrant, 3 todas

DEDBOL ang tatlong hinihinalang gun-for-hire habang arestado naman ang tatlong iba pa sa ikinasang operasyon sa San Pablo City, Laguna.
Batay sa imbestigasyon, nauwi sa engkuwentro ang operasyon sa bahagi ng Alvero compound, Bgy. San Ignacio, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, naunang nagpaputok ng baril ang mga suspek laban sa pulisya nang ihahain ang arrest warrants dahil sa illegal possession of firearms and illegal drugs.
Kinilala ni Laguna Provincial Police Director Sr. Supt. Eleazar Matta ang isa sa mga napatay na si Alain Alvero.
Ito umano ang ikawalo sa kanilang listahan ng mga high-value target sa lugar at sinasabing responsable sa serye ng shooting incidents at bigtime distributor ng droga sa lalawigan. (BRT)