Search
  • BULGAR

NYC, kinalampag para sa kababaihan… DINGDONG, KINONDENA ANG PREGNANCY TEST SA MGA ESTUDYANTE

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

ISA ang Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga nag-react/kumondena sa mandatory pregnancy test na pinairal sa Pines City Colleges sa Baguio City para sa kanilang mga female students.

May patakaran pa raw ang nasabing kolehiyo na idi-dismiss ang sinumang estudyante na nagdada­lantao.

Base sa isang post ni Dingdong, labag ito sa magna carta for women. Ang bawat babae ay may right to privacy. At maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay sumusuporta rin upang hindi malabag ang karapatan ng mga kababaihang estudyante.

Umaasa rin si Dingdong na gagawa ng action ang mga bumubuo sa National Youth Commission (NYC) bilang suporta sa mga kaba­baihang estudyante. Si DD ay nagsil­bing chairman ng NYC noong 2014 to 2016.

Well, basta may makabuluhang issue sa lipunan, asahang aktibo ang mister ni Marian Rivera at isa sa mga bida ng upcoming seryeng Cain at Abel.

Samantala, nag-i-enjoy naman si DD sa pagho-host ng programang Amazing Earth dahil may mga bagong kaalaman siyang natutuklasan tungkol sa iba’t ibang hayop, kagubatan, klima at kultura ng iba’t ibang bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.