Search
  • Jeff Tumbado

Modus sa FB, model ‘nilalasing’ sa drugs, ibini-video | AFP OFFICIAL, RAPIST


ISANG dating sundalo na may rang­gong kapitan ang inaresto ng mga ope­ratiba ng Criminal In­vesti­gation and Detection Group ng Philip­pine Natio­nal Police (PNP-CIDG) matapos ang isina­ga­­wang entrapment operation sa Paraña­que City.

Dinala sa tanggapan ng CIDG main headquarters sa Camp Crame ang suspek na nakilalang si Dennis Plaza alyas Vicente Chua at Mike Jimenez Tan.

Batay sa inisyal na ulat, agad na dinakip si Plaza sa isang resort and casino, alas-10:45 ng gabi. Ayon sa isang source, modus umano ng suspek na i-hack ang Facebook account ng mga modelo.

Magpapakilalang may-ari ng isang brand/company at makikipag-meet. May na-hack na rin itong account ng kaibigan ng target na magpapanggap na kasama sa meeting subalit, hindi darating at sasabihang samahan na muna ang ‘boss’ na suspek.

Hanggang sa kukuwentuhan ng suspek ang biktima at paiinumin ng may halong drugs. Kapag groggy na ang model, dito na ito pagsasamantalahan habang ibini-video para magamit namang pang-blackmail.

Matagal na umanong isinasailalim sa surveillance ng mga awtoridad si Plaza dahil sa modus nito at dahil sa background bilang sundalo ay nawawala ito sa monitoring.

Napag-alaman pa sa report na si Plaza ay isang Country Security Manager ng isang international company.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.