Search
  • BULGAR

Mabisang gamot sa goiter

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Nagkaroon ng goiter ang nanay ko at may ibinigay na gamot sa kanya para raw matunaw ang bukol sa loob. Epektibo ba ito? — Ernie M.

Sagot

Sa sakit na toxic goiter, ang pasyente ay may bosyo at labis ang thyroid hormones (T3 at T4) sa dugo. Ang Graves’ disease ay isang klase ng diffuse toxic goiter kung saan sobra ang thyroid hormones sa hyperthyroidism pero, hindi malaki ang thyroid. Ang iodine mula sa seafoods o asin ay kinukuha ng thyroid para makagawa ng T3 at T4. Ang thyroid lamang ang kumukuha ng iodine sa katawan kaya kapag pinainom ng radioactive iodine, pupunta lamang ang gamot sa thyroid.

Ano ang radioactive iodine?

Ito ay Iodine 131 (I 131) na kapag pumasok sa thyroid ay liliit ang thyroid dahil tinutunaw nito ang cells ng thyroid. Kung maliit na ang thyroid ay hindi na makagagawa ng sobrang T3 at T4 ang katawan kaya mabisang gamot ito para sa hyperthyroidism or toxic goiter. Kung lumiit lamang at hindi naubos ang thyroid pagkatapos ng RAI ay puwede pang bumalik ang hyperthyroidism pero, madalang itong mangyari. Kung iinom lang ng tabletang gamot, nagiging normal ang T3 at T4 sa dugo pero, ang bosyo o bukol ay hindi lumiliit.

Kadalasan, bago magpa-RAI, nagpapagawa ang doktor ng thyroid scan at radioiodine uptake (RAIU). Sa thyroid scan, malalaman ang laki ng thyroid at sa uptake malalaman kung gaano kalakas kumuha ng radioactive iodine ang thyroid. Sa dalawang tests na ito, malalaman kung anong dose ng RAI ang kailangan. Tandaan, kung ilang mCi ang ibinigay ng doktor, halimbawa, kung 14.9 mCi ay malamang matutunaw ang buong thyroid. Kung nodular goiter, mas mataas ang dose at kung minsan ay umaabot ng 20 hanggang 30 mCi depende sa laki ng bukol.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.