top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 11, 2018 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2018
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 11, 2018 (Linggo): Panatilihin mo ang iyong kababaang-loob dahil sa ganito, matu­tuwa sa iyo ang langit at ang mga biyaya at pag­papala ay magdara­tingan sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumulong ka, pero sa abot lang ng iyong makakaya. Huwag kang gagawa ng paraan para mapagbigyan ang hindi mo matanggihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-biege. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ibibis­to ang bara­ha mo. Sa ganito, mali­lito ang iyong mga ka­kumpitensiya. Kapag nanalo ka na, ituro mo sa mga malalapit sa bu­hay mo ang iyong sik­reto. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-14-23-25-34-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Humingi ka muna ng ga­bay sa nauna sa iyo sa negosyong papasukin mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tapang ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-18-20-28-31-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Ilapit mo ang iyong sa­rili sa mga ka­pus-palad. Ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naging ganu’n ay dahil takot at mahiyain sila pag­dating sa pakikipag­ka­ibigan. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-4-16-25-34-41-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di ka maru­nong tumang­gi sa mga lu­malapit sa iyo, kaya na­man hindi ka rin kayang tanggihan ng langit. Sabi­hin mo na kung ano ang mga kahilingan mo dahil dito ay hindi ka mabibigo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-31-32-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat ng ba­gay dito sa mundo. Kukupas din ang iyong kasiglahan, pero pan­samantala lang dahil mu­ling mananariwa ang iyong lakas. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-2-11-18-22-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag dinaya ka, lihim kang matuwa dahil ito ang kondisyon ng la­ngit para dumating sa bu­hay mo ang magagan­dang kapalaran. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-11-14-24-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamahi­nga ka. Hindi makabubuti sa iyo na pagod ang isip at katawan mo. Bukod sa pa­mamahinga, maganda rin na kumain ka ng na­pa­pa­nahong mga prutas. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-20-21-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagda­mutan ang sa­rili mo. Bilhin mo ang mga gusto mo na magpapasaya sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-21-28-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiba­hagi ka sa sama-samang pagsasaya dahil ang tao ay hindi nabubuhay na para sa sarili lamang. Kung ano ang magpapa­saya sa marami, ‘yun ang isabu­hay mo ngayon. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-29-30-37-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo ka­hit pa may pinagdaraanan ka dahil ang masayang pagkilos ang maghahatak sa mga suwerte papunta sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-24-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi naman nawawala ang mga suwerte mo, hindi pa lang ito du­marapo sa iyo dahil hini­hintay pa ng la­ngit na ma­tanggal ang mga negati­bong naghahari sa isipan mo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-25-26-34-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page