Search
  • Mylene Alfonso

Service crew nagbigti

PATAY na nang makita ang isang service crew ng isang kilalang food chain na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa ng hatinggabi sa Sta. Ana, Manila.

Kinilala ang biktima na si Elmo Villegas Mendoza, 35, residente ng Sta. Ana, Manila. Ayon kay PO3 Ryan Balagtas, huling nakitang buhay ang biktima alas-10:00 ng gabi at alas-11:40 ng gabi nang makita ng kanyang hipag na si Avegail Ilas na nakabigti na ang biktima.

Agad naman humingi ng tulong sa kanyang ama upang kalasin ang lubid at naisugod din sa ospital ang biktima pero, idineklara itong dead-on-arrival.

Sa impormasyon, nakararanas umano ng depresyon ang biktima at tahimik umano ito sa mga nakalipas na araw hanggang sa nakita itong nakabigti. Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.