Pumalag sa drug operation | ‘NOLI DE CASTRO’, UTAS
- Janice Baricuatro
- Nov 10, 2018
- 1 min read
NASAWI ang isang lalaking kapangalan ni Kabayan Noli de Castro makaraang manlaban sa buy-bust operation sa Los Baños, Laguna, kamakalawa.
Ala-1:15 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa PCCARD Road, Bgy. Timugan kung saan target ng operasyon ang suspek na si Noli de Castro, 25, ng Bgy. Pansol, Calamba City.
Ayon kay P/Supt. Louie Dionglay, nasa kalagitnaan ng transaksiyon ang suspek at mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team nang makatunog ito na mga pulis ang kausap kaya agad na pinaputukan sila na naging hudyat ng engkuwentro hanggang sa tumimbuwang ang suspek.
Nakuha sa crime scene ang isang .38 revolver, pitong sachets ng shabu, buy-bust marked money at motorsiklo na walang plaka.





Comments