Search
  • Jersey Sanchez

Principal bihag pa rin | 78 ESTUDYANTE PINALAYA NA

PINALAYA na ang mga mag-aaral na dinukot sa north-west region ng Cameroon.

Kabilang sa pinalaya ang school driver ngunit, nasa mga kamay pa rin ng mga suspek ang principal at guro.

Pinakawalan ang mga mag-aaral matapos umanong iwanan ang mga ito sa isang abandonadong gusali sa bayan ng Bafut, ayon sa pahayag ng Presbyterian Church ng nasabing lugar.

Hanggang ngayon ay nagtuturuan pa rin ang gobyerno at separatists kung sino ang responsable sa nasabing pagdukot.

Matatandaang, noong Lunes nangyari ang nasabing pagdukot sa mga mag-aaral.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.