Search
  • Jeff Tumbado

Nag-iimbestiga sa mga kapwa pulis | PNP OFFICIAL IN-AMBUSH

NASA kritikal na kon­disyon ang isang police offi­cial makaraang pagbabari­lin sa Quezon City, kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Police Supt. Edgar Cariaso, nakatalaga sa Internal Affairs Service (IAS) sa PNP Natio­nal Headquarters sa Camp Crame. Kasalukuyang gina­ga­mot sa ospital ang 50-an­yos na police official sanhi ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), isang lalaki na nakasuot ng base­ball cap ang lumapit sa bik­tima sa bahagi ng Kaliraya St. sa Bgy. Tatalon, bago ito pinag­babaril.

Napag-alaman na si Ca­riaso ang nangunguna sa mga nag-iimbestiga sa kapwa mga pulis na inire­rek­lamo sa iba’t ibang uri ng katiwalian. Isang follow-up opera­tion ang isina­sagawa ng mga awtoridad upang tugisin ang nasa likod ng krimen. Nitong Miyerkules ng gabi, isang pulis din ang ti­nam­bangan habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa V. Luna St., Bgy. Malaya sa lungsod din ng Quezon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.