Search
  • BULGAR

Mula namatay hanggang inilibing, no show…JOHN LLOYD, DEDMA KAY RICO J.

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit no show si John Lloyd Cruz sa ilang gabing burol ni Rico J. Puno samantalang naging close rin naman daw sila nang maging tatay ng aktor ang singer sa Home Sweetie Home.

May huling hirit pa nga si Rico J. bago namatay — ang magpakita at magparamdam naman daw uli sa kani­lang mga kaibigan si Lloydie tulad ng dati.

Pero hanggang sa namatay at nailibing si Rico J., wala ngang ni anino ni JLC na nakita sa burol. Kaya ang tanong ng marami, bakit natiis ni John Lloyd na hindi man lang silipin ang kanyang ‘tatay-tatayan’ hanggang sa huling sandali nito sa mundo?

Well, ayaw naming husgahan agad si John Lloyd da­hil baka naman nagpadala ito ng mensahe ng pakikiramay na hindi na lang in-announce ng pamilya ni Rico J..

Hindi naman siguro ganu’n kasamang tao si JLC para dedmahin ang isang kaibigang nakasama rin niya nang ilang panahon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.