Search
  • Maeng Santos

Lolo tiklo sa pekeng solicitation


ARESTADO ang 65-anyos na sangkot sa pami­migay ng pekeng solicitation raffle tickets at nagpanggap na retired colonel at em­pleyado ng city local govern­ment sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay ang suspek na si Eduardo Domingo, ng Mindanao Avenue, Quezon City, na nadakip ng mga humabol na pulisya sa pangunguna ni PO3 Antonio Apis sa Bgy. Maysan.

Nagtungo si Domingo sa opisina ng Ocean Best Footwear Corp. sa Bgy. Canumay West at nagpa­kilala bilang retired Col. Duque at empleyado ng Valenzuela City Hall.

Nagbigay ang suspek ng dalawang raffle tickets mula sa Armed Forces of the Philippines-Retired Vete­rans Association (AFREVA Inc.) sa company manager na si Mike Sy, 26, para umano sa kanilang Christmas celebration at gift giving party.

Sinabi ni Domingo kay Sy na P5,000 na lang ang iba­yad sa isang ticket at P10,000 ang dalawang tickets kahit na ang halaga na ipinahiwatig sa mga ticket ay P12,000 at P6,000 ayon sa pagkakabanggit.

Nagbigay si Sy ng P5,000 sa suspek at sinabihan ito na hintayin ang kanyang uncle na magbibigay ng karag­dagang P5,000 subalit, pag­katanggap ni Domingo ng pera ay mabilis itong umalis sakay ng kanyang Chevrolet Captive na may plakang 2J-353. Humingi naman ng tulong ang biktima at saksing si Francis Custodio kay PO3 Apis at kanyang mga kasama na agad hinabol ang suspek hanggang sa ito ay maaresto.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.