top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 10, 2018 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 10, 2018
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 10, 2018 (Sabado): Mapalad ka kaysa sa iba dahil kahit pa kulangin ka sa sigasig at sigla, ang mga suwerte ay magdara­tingan sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang naku­ha mo na ang gusto mo at magugulat ka dahil makukuha mo na ang mga ito. Hindi kaya ng langit na malungkot ka ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-23-29-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibi­guin ng iyong kapalaran da­hil magbubunga ng mara­mi at malalaking pakina­bang ang iyong mga pagsi­sikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-25-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, huwag kang mamilit dahil minsan, kung sino ang mapilit, siya pa ang nabibigo. Kaya hin­tayin mo ang mga su­werte mo at makatitiyak ka na mapasasaiyo ang mga ito. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-21-31-35.

CANCER (June 21- July 22) - Ngayon na magsisi­mula ang pagba­ba­go na iyong inaasam. Ba­gong buhay, kapalaran at mga suwerte ang magda­ra­tingan sa iyong hara­pan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-14-26-41-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ku­milos ka ka­hit simpleng pagkilos lang nang sa gayun ay uman­dar ang gulong ng iyong kapalaran. Ang hindi pag­kilos ay katumbas ng pag­tulog ng iyong buhay sa kawalan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-29-30-32-40-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tataas ang kita mo kapag pa­tuloy kang na­mumuhunan ng sikap at pa­god. Hindi ka puwe­deng mamahinga ngayon da­hil ang masusuwerteng balita ay nagsasabing marami ka pang kikitain. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-18-28-37-38-41-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa todong lakas ang iyong mga suwerte. Ang malalaking panalo ay para sa iyo at ang ma­lalaking kabiguan ay para sa mga kontrabida sa bu­hay mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-14-25-32-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdag­dag ka ng pu­hunan nang sa gayun ay mas lumaki pa ang iyong pakinabang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-15-16-18-20-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw ma­niwala sa iyo dahil masa­sayang lang ang oras mo sa kanila. Hintayin mo na lang na sila ang mapahiya sa mga mangyayari. Ma­su­werteng kulay-white. Tips sa lotto-13-15-26-27-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang bali­kan ang hindi nag­karoon ng katapusan. Ang susi sa maligayang bu­hay ay ang hindi pagha­ha­­bol sa nakaraan. Masu­wer­­­teng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-25-28-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maging mabilis ka da­hil ito ang mag­dadala sa iyo kung saan ma­yayakap mo ang mga suwerte mo tungo sa ma­saganang kinabukasan. Kaya huwag kang mag-aalinlangan. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-23-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumarating ang mga bi­yaya para sa iyo mula sa malalayo. Pero, may paparating pang mas malalaki na tiyak na ika­gagalak mo. Harapin mo ang mga araw nang may po­sitibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-6-7-15-16-24-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page