Search
  • BULGAR

BLAZE SPIKERS AT CARGO MOVERS, MAGSUSUBUKAN NG LAKAS SA PSL


MAGKAKASUBUKAN ang Petron Blaze Spikers at F2 Logistics, mga team na naging dramatiko ang pinal na engkuwentro noong nakaraang taon sa pakay nilang makasolo ng liderato sa unang pares ng laban ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Alonte Sports Center sa Biñan City. Sisimulan ang aksiyon ng 6 p.m. kasunod ng bakbakan sa pagitan ng Cignal at Generika-Ayala ng 4 p.m.

Kasunod niyan, magsasalpukan din ang La Salle-Dasmariñas at ang Far Eastern University ng 12 habang ang Colegio San Agustin-Biñan ay haharap sa University of the Philippines ng 2 p.m. sa ikalawang araw ng Collegiate Grand Slam.

Matapos ang magandang laro sa unang tatlong games, umusbong ang espekulasyon na parehong ang Blaze Spikers at Cargo Movers ay magbabanatan sa isa pang higanteng duwelo sa finals ng women’s club league na ito ng ESPN5.

Sinabi ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus na gagawin nila ang kanilang makakaya para makapaghanda kontra Petron – ang team na nasungkit ang All-Filipino Conference crown mula sa pahirapang final battle noong 2017.

“We really have to prepare against Petron,” ani de Jesus, na nagmaniobra sa Cargo Movers tungo sa Grand Prix crown noong 2017 kontra Katherine Bell, Lindsay Stalzer at bumubugang apoy ng Petron nitong unang buwan ng taon.

“It’s important for us to do our adjustments because we know how strong our opponent is.” Halos patas ang laban ng dalawang team.

Ipinosisyon ni Petron coach Shaq Delos Santos sa mga gamay na laro sina Rhea Dimaculangan bilang setter, Mika Reyes at Remy Palma bilang middle blockers, Frances Molina, Sisi Rondina at Bernadeth Pons na open spikers, habang si Aiza Maizo-Pontillas ay opposite hitter at Pia Gaiser at Buding Duremdes bilang libero.

Si de Jesus ay may Kim Fajardo na setter, sina Aby Maraño at Majoy Baron ay mga middle blockers, Ara Galang at Cha Cruz ay open spikers, Kianna Dy na opposite hitter at si Dawn Macandili ay libero. Hahawakan sana ni De Jesus ang national team sa pagbabalik niya sa Asian Games sa unang pagkakataon sa 36 na taon hanggang hawakan ni De Los Santos. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.