Ayon sa mga eksperto… KESO, EPEKTIB NA PANLABAN SA SAKIT SA PUSO!

CHEESE lover ka ba, besh? Okay ‘yan dahil knows ba ninyo na ang pagkain nito ay epektib daw umano na panlaban sa sakit sa puso?
Marahil ay nagtataka kayo dahil kilala na mataas sa cholesterol ang keso, pero ayon sa mga eksperto, ang fermented dairy products daw umano ay mayroong positibong epekto sa ating cholesterol, kaya dehins na natin kailangan pang mag-worry tungkol dito.
Sa ginawang pag-aaral, natuklasan ng mga dalubhasa na ang pinaniniwalaan nating dairy products na nakatataba ay epektibo pa lang panlaban sa sakit sa puso.
Gayunman, ang mga non-fermented dairy product tulad ng ice cream at butter umano ang dapat nating iwasan at hindi ang yogurt, gatas at keso.
Kaya naman upang mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ng ekperimento ang mga eksperto kasama ang 2,000 kalalakihan mula sa University of Eastern Finland na nai-published sa British Journal of Nutrition.
Kung saan ipinagpatuloy lang ng mga kalahok ang pagkain nila ng dairy products sa loob ng 20 taon at natuklasan sa pag-aaral na hindi ito nakaapekto sa kanilang cholesterol, bagkus ay mas naging malusog pa ang kanilang puso.
Dagdag pa rito, mas epektibo umano ang pag-aaral na ito sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
Kaya naman ang payo ng mga dalubhasa, balansehin pa rin ang pagkain nito kung kinakailangan, lalo na kung ipinagbabawal na ng doktor para sa ikagaganda ng inyong kalusugan.
Oh, ayan, mga lodi, siguradong mapapa-say cheese kayo dahil sa nalaman ninyo.
Stay healthy! Copy?





Comments