Tulak nanlaban patay
Pabs Hernandez III
Nov 9, 2018
1 min read
CAGAYAN DE ORO CITY—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Consolacion sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si Jerm Paderan, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Paderan, pero nanlaban ito at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Mabilis na nakaganti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments