Search
  • BULGAR

Sotto at Pacquiao, todo-tanggol kay P-Digong sa EJK, sablay naman!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

IPAGTATANGGOL NA RIN LANG NINA PACQUIAO AT SOT­TO SI P-DUTERTE SA EJK, SABLAY PA — Sablay ang gina­wang pagtatanggol nina Sen. Manny Pacquiao at Senate President Vi­cen­te ‘Tito’ Sotto III sa isyung EJK (extrajudicial killings) na ina­akusa kay P-Duterte.

Matapos kasing sa­bi­hin ni Sen. Pacquiao sa harap ng Oxford students na walang EJK sa Pilipinas, sinabi naman ni Tito Sen na totoong may EJK pero, hindi raw ito kagagawan ng Duterte gov’t.

Kaya natin nasa­bing sablay ang kanilang pagtatanggol kay P-Du­terte kasi tila nalimu­tan na nila na mismong ang pangulo na ang nag­sabi noon na ang kasa­la­nan lang daw niya ay ang EJK na indikasyong ang gobyerno ang nasa likod ng EJK sa bansa, period!

◘◘◘

ASTIG NA CHINESE NATIONALS SA ‘PINAS — Matapos kumpirmahin ng Mala­ca­ñang na economic adviser ni P-Duterte ang Chinese national na si Michael Yang, gayundin, nanalo na sa bidding ng National Telecommunication Commission (NTC) para sa 3rd Telco sa bansa ang Udenna Corp. na pag-aari ni Dennis Uy.

Patunay ‘yan na ganyan na kaastig sa Pilipinas ang mga Chinese national, boom!

◘◘◘

BABALA NI GUER­­RERO, NAGING BA­­BALA NA RIN NOON NINA FAELDON AT LAPEÑA PERO, LA­LONG LUMALA ANG “TARA” SYSTEM SA CUSTOMS — Nagbabala si newly appointed Bureau of Customs Commission­er Rey Leonardo ‘Jag­ger’ Guerrero laban sa mga kurakot na mga opisyal at tauhan ng Adwana.

Ang ganyang uri ng babala laban sa mga “buwaya” sa Customs ay sinabi na rin noon nina ex-Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña, pero wala rin nangyari kasi lalo lang lumala ang “tara” system sa Adwa­na, mga buwisit!

◘◘◘

PNP-REGION 3, GINAGAMIT SA RA­KET NG MGA ‘TONG­PATS’ COLLECTOR —Tuloy pa rin daw ang paggamit ng grupo ni “Cruz” sa tanggapan ng PNP-Region 3 para ma­ka­pangolekta ng inte­lihensiya sa mga iliga­lista sa Central Luzon.

Kailan kaya ipato-"tokhang” ni PNP-Region 3 Director Ama­dor Corpuz ang tropa ni “Cruz” kasi ginagamit na ng mga ito sa raket ang kanilang tanggapan ay wala pa rin siyang ginagawang aksiyon laban sa mga “tongpats” collector sa Central Luzon. Pwe!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.