Search
  • Clyde Mariano / ATD

SINO SA 4TH SEMIS SEAT ANG FUELS O BOLTS?


SINO sa Phoenix Fuel Masters at Meralco Bolts ang makakakuha ng huli at ikaapat na semifinal seat? Sino sa palagay ninyo? Pumusta na kayo.

Malalaman ang kasagutan ngayon sa paghaharap ng Fuel Masters at Bolts sa do-or-die match ng 7 p.m. sa Araneta Coliseum at ang mananalo ay sasama sa maagang semifinalists na defending champion Barangay Ginebra Kings, Magnolia Hotshots at Alaska Aces.

Inaasahang magiging madugo ang labanan ng dalawang magkatunggali na determinadong manalo at umabanse sa semis. Tinalo ng Bolts ang twice-to-beat Phoenix noong Miyerkules sa Cuneta Astrodome at ipilit na wala nang bukas sa engkuwentro nila na inaasahang panonoorin ng mga die-hard supporters ng Fuels at Bolts. Ang Bolts ang tanging koponan sa tatlong team ni MVP na nasa title picture matapos mapatalsik ang sister teams Talk ‘N Text KaTropa sa eliminasyon at NLEX Road Warriors sa quarterfinals.

Ang momentum ay nasa Bolts at sasamantalahin ni coach Norman Black na i-exploit sa muling pakikipagsagupa ng kabado pang Fuel Masters. “We have to play one more good game to win. We have to sharpen our offense and tighten our defense preventing them from compiling points,” sabi ni Black na muling sasandal sa kanyang prolific import na si Allen Durham. “Allen has to put up another A-1 performance like did in Game 1. He has to double his effort and put up solid defense against Eugene Phelps,” wika ni Black.

Nakahandang umalalay kay Durham na taga-Michigan sina Filipino-Americans Chris Newsome, Jeff Hodge at Simon Atkins at mga homegrown talents na sina Amer Baser, Reynel Hugnatan, Antonio Jose Ca­ram, at Garvo Lanete.

Sa kabila ng natalo buo pa rin ang tiwala ni Phoenix coach Louie Alas sa kanyang mga bata at kumpi­yansang makababalik ang Fuel Masters sa tamang porma at matutuloy ang kanilang semifinals campaign na nadiskaril matapos matalo sa twice-to-win Bolts. “This game will chart the destiny of our semifinal bid. We will play with intensity and grim determination. I reminded my players to utilize all available resources from their arsenal to win. I also reminded them to play well and minimize errors and go for the basket,” ani Alas. Muling pangu­ngunahan ni Eugene Phelps ang open­siba ng Fuels katuwang sina Filipino-Canadian three-point specialist Matthew Wright, JC Intal, John Wil­son, Dou­glas Kramer, RJ Jazul at dating Alaska Aces Calvin Abueva.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.