- Jeff Tumbado
Pulis todas sa riding-in-tandem
PATAY ang isang pulis makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Bgy. Malaya, Quezon City.
Dead-on-the-spot si PO3 Rufino Gabis, 47, nakatalaga sa District Headquarters Service Support Unit ng Quezon City Police District (QCPD).
Ayon sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit, minamaneho ni Gabis ang isang puting SUV at habang nakatigil dahil sa traffic light, nilapitan ito ng riding-in-tandem.
Bumaba sa motorsiklo ang isang lalaki at malapitang pinagbabaril ang pulis bago tumakas. Tama ng bala sa leeg, katawan at ulo ang tumapos sa buhay ng pulis.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.