Parang pamilya na raw… ANDREA, MAMI-MISS ANG MGA GINAGAWA NILA NI ALDEN SA TAPING
- BULGAR

- Nov 9, 2018
- 1 min read

MAMI-MISS ni Andrea Torres ang buong cast ng Victor Magtanggol dahil mistulang tunay na pamilya na ang samahan nila tulad nina Ms. Coney Reyes, Alden Richards, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Pancho Magno, atbp..
Kahit pagod at puyat, ang saya-saya pa rin ng ambiance sa set ng VM. Hindi malilimutan ni Andrea ang mga fight scenes niyang ginawa at hahanap-hanapin niya ang diyosang costume ni Sif.
Wish niya na ang susunod niyang projects ay action-drama pa rin. Kung pupuwede nga, gusto niyang gumanap bilang serial killer.
Sa ganda niyang ‘yan, parang hindi papayag ang kanyang mga tagahanga na gumanap siyang bad girl.





Comments