- BULGAR
P18-b utang para sa MRT rehab, pirmado na

LUMAGDA na ang Pilipinas at Japan ang P18 billion loan agreement para sa maintenance at rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Nilagdaan nina Finance Sec. Carlos Dominguez III at Japan International Cooperation Agency (JICA) Senior Vice-President Yasushi Tanaka ang loan deal sa tanggapan ng Department of Finance.
Sa nasabing pautang, ito ay may interest rate na 0.1% kada taon at may repayment period na 28 taon makalipas ang 12 taong grace period.
Samantala, ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ng Japan ang muling magsasagawa sa maintenance at rehabilitasyon ng MRT-3.
Ang naturang kumpanya ang unang maintenance contractor ng MRT-3 sa unang 12 taon ng operasyon nito.
Mula 15, inaasahang magiging 20 na ang bibiyaheng tren kada araw, bibilis ang biyahe sa 60 kilometers per hour at bababa sa 3.5 minuto ang tagal ng pagdating ng tren.
Samantala, aabutin ng 43 buwan ang rehabilitasyon ng MRT-3 at ilan sa mga aayusin ang power supply, CCTV system, radio and public address system, signaling system, elevators at escalators sa mga istasyon. (BRT)