Search
  • BULGAR

MAYWEATHER, KINANSELA NA ANG LABAN SA JAPAN


HINDI na itutuloy ni US boxing champion Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang laban kay Japanese Tenshin Nasukawa sa Saitama.

Sinabi ni Floyd, Jr., sa kanyang social media account, na nilinlang sila ng promoter ng Japanese kickboxer. “I want it to be clear that I, Floyd Mayweather, never agreed to an official bout with Tenshin Nasukawa,” sabi ni Mayweather sa Instagram

Una na sanang napag-usapan nila na nais niyang makalaban ang Japanese fighter sa isang private, closed door, 3-round exhibition fight para sa lamang sa mga piling mayayamang indibidwal. “This exhibition was previously arranged as a ‘Special Bout’ purely for entertainment purposes with no intentions of being represented as an official fight nor televised worldwide,” sabi ni Mayweather.

Pero nagtaka na lamang siya sa isinagawang press conference ng RIZIN promoters na ang New Year’s Eve fight ay ipalalabas na sa telebisyon sa buong mundo. Napailing na lamang siya sa naturang resulta ng press conference dahil ayaw naman niyang mamahiya nang sinuman. “We should have put a stop to it immediately,” ani Mayweather. “I want to sincerely apologize to my fans for the very misleading information that was announced during this press conference. I can assure you that I too was completely blindsided by the arrangements that were being made without my consent or approval.” Kamakailan lang ay inanunsiyo ng dalawa ang laban kasabay ng pagbisita ni Mayweather, Jr., sa Tokyo, Japan. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.