ISANG mass grave ang nadiskubre ng mga awtoridad na pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution o pagpatay ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Agusan del Sur.
Bilang bahagi ng “Oplan Lakbay Hukay” sa pangunguna ng Presidential Adviser for Indigenous Peoples’ Concerns, natagpuan ang naturang mass grave sa isang liblib na lugar sa Sitio Lapdap, Bgy. Sta. Irene, Prosperidad.
Posible umanong mga Lumad na miyembro ng Tribung Manobo ang mga natuklasang kalansay at bungo.
Kasama rin sa ‘Oplan Lakbay Hukay’ ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).