Mag-inang tulak, kulong

Nov 9, 2018
1 min read
KULONG ang mag-inang hinihinalang may kinalaman sa pagbebenta ng iligal na droga sa Pateros.
Batay sa ulat, inaresto sina Raquel Kumandante at ang anak nitong si Crisquel makaraang matagpuan ng mga pulis ang pitong pakete ng shabu sa kanilang bahay sa Bgy. Sta. Ana. Gayunman, nakatakas naman ang live-in partner ni Crisquel na si Mark Lowie Cuevas na sangkot din umano sa pagtutulak ng droga. (BRT)





Comments