- Levi Gonzales
Lalaki kinatay ng karibal sa babae
BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakaribal sa babae sa Bgy. Sta. Maria, Bauan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Napoleon Villanueva, 30, residente sa nasabing lugar habang ang suspek ay si Eric Palomar, 36, ng Bgy. San Francisco.
Pasado ala-1:00 ng madaling-araw habang natutulog ang biktima sa silid ng kanyang kasintahan nang biglang pasukin ng suspek at pagsasaksakin ito. Agaw-buhay siyang dinala sa pagamutan ngunit, binawian din ito ng buhay.
Sinasabing nagselos ang suspek sa biktima kung saan dati nitong kasintahan ang kinakasama nito.