Search
  • BULGAR

Kaya hinay-hinay lang daw sa paggamit ng social media, besh! BABALA NG EXPERTS: MEMES, NAKATATABA!

Jersey Sanchez / Gulat ka 'noh?!

USUNG-USO ang mga memes ngayon da­hil sa nakaaaliw at nakatutuwang laman nito. Pero, alam ba ninyo na maaari itong ma­ging sanhi ng pagiging obese ng mga ka­bataan?

Hala!

Sa pag-aaral na tinawag na “MEMEotive- Analyzing the Effects of Internet Memes on Young Teenagers Health and Health Behaviors”, natuklasan dito na ang memes ay maaaring maging sanhi ng problema sa kalu­sugan. Inobserba­han ng mga resear­cher ang iba’t ibang uri ng social net­wor­king sites ga­mit ang hashtags na #me­me, #fit­ness­addict at #flexi­ble­dieting, sa loob ng dala­wang linggo.

Na­diskubre ng mga re­searcher na kara­mihan sa mga post na gumamit ng mga hashtag na na­banggit ay nag­la­laman ng mga memes tungkol sa unhealthy eating at ilang pangu­ngutya sa mga taong mayroong unhealthy habits.

Gayunman, ayon sa mga researcher, hindi dapat pag­katuwaan ang memes na ito dahil kung titingnan sa mas ma­­lalim na konteksto, maaaring tumatak sa isipan ng mga kabataan na ang labis na pagkain o ang pagiging obese ay normal lamang.

Hindi lang ang posibilidad ng pagiging obese ng kabata­an ang ikinabahala ng mga researcher kundi maging ang cyber­bullying at body shaming din.

Kaya ang payo ng mga eksperto, limitahan ang mga bagets sa paggamit ng gadgets at siguraduhing masusustan­siya ang mga kinakain nilang pagkain, gayundin, sanayin ang mga ito sa pisikal na aktibidad upang hindi lamang sa gadget at internet nakatuon ang atensiyon nila.

Oh, ayan, mga momshie, kung nahuhumaling na ang inyong mga bagets sa memes, huwag magdalawang-isip na itsek kung talaga bang nakaaaliw o maaaring maka-offend ang mga ito. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.