- Anj Cabilla
Ibinulgar ng 3 Ms. Earth candidates… SEX PALIT KORONA

LAKAS-loob na inilantad ng tatlong kandidata ng Ms. Earth 2018 ang sexual harassment na naranasan nila sa kamay ng isang sponsor ng nabanggit na international beauty pageant na ginanap sa ating bansa kamakailan lang.
Nauna nang nagsalita si Miss Earth-Canada Jaime Vandenberg na hindi ipinagpatuloy ang competition dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan matapos ang insidente. Giit nito, pangalawang araw pa lang daw niya sa Pilipinas nang ma-experience ang pangha-harass ng isang sponsor. Inilahad niya na nakuha raw ng sponsor ang kanyang personal number at paulit-ulit na tumatawag para itanong kung saang hotel siya naka-check-in at kung ano ang room number niya.
Pero, hindi rito natapos ang pangha-harass dahil sinabi rin daw ng hindi niya pinangalanang sponsor na tutulungan siya nito sa competition kung pagbibigyan niya ng hinihingi nitong sexual favors.
Sey ni Miss Earth-Canada, “He showed up to almost all of my events telling me he could take care of my needs and asked for sexual favors in exchange to get me further in the pageant. I was disgusted.”
Dahil dito, lumabas na rin ang dalawang kandidata ng Miss Earth 2018 na nakaranas din ng sexual harassment sa sponsor na ito.
Sa Instagram nag-post ng kanilang experience sina Miss Earth-England Abbey-Anne Gyles-Brown and Miss Earth-Guam Emma Mae Sheedy.
Sa IG post ni Miss Earth-Guam, inilahad niya ang naranasang sexual harassment sa kamay ng sponsor na pinangalanan niyang si Amado S. Cruz na mula sa Manila Yacht Club.
Aniya, “I enjoyed a majority of the pageant, but what I did not know, is that a specific sponsor from the Manila Yacht Club would change the way I see pageantry and sponsors.
“The sponsor who’s name is Amado S. Cruz became a problem for many of the delegates, including myself.”
Idinetalye rin ni Ms. Sheedy ang harassment na naranasan sa kamay ni Cruz.
Aniya, “To focus on ONLY myself, I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands and into his house and insisted that I and the latino women dance for him.
“Amado S. Cruz grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instances.”
Ayon naman sa post ni Miss-Earth-England sa kanyang Instagram account, hati ang pakiramdam niya dahil sa karanasan sa pageant.
Aniya, “I enjoyed 50% of my trip but the other 50% was over shadowed by feeling exploited, vulnerable, unnerved & sexually harassed as I was approached by a sponsor on many occasions who asked for sexual favours in exchange for the Crown.”
Ayon din kay Miss Earth-England, nangyari ang harassment sa Manila Yacht Club.
Kagaya ng karanasan ni Miss Earth-Canada, tinatawagan din daw siya ng sponsor at inaalam kung saang hotel siya naka-check-in at kung ano ang kanyang room number.
Sa ulat ng GMA News, itinanggi ni Lorraine Schuck, event organizer ng Ms. Earth, ang mga sinabi ni Miss Canda.
Pahayag niya, “Si Canada ‘yung pinost niya, lahat ‘yun mali.
“Kung sino yung kinomplain niya hindi na niya nakikita, pero siyempre sometimes pag medyo nasa publiko ang mga babae, mahirap kontrolin, e.
“Iba kasi ang Miss Earth…. Kailangan nasa tao kami, ‘di ba, yung environment activities, or makipagkuwentuhan sa tingin mong puwedeng tumulong.”
Dagdag pa niya, “Pero minsan, merong mga uncontrollable incidents, na mga maldito.”
Dahil sa mga nabulgar, hindi kaya tuluyan nang mabahiran ang imahe ng Miss Earth?