Search
  • ROMA AMOR

Feeling confused dahil dehins knows kung magiging praktikal o passionate sa buhay

Dear Roma,

Ako si Jay, 26 years old at graduate ng kur­song BS Nursing. Halos tatlong taon na akong gra­duate at may lisensiya na rin ako bilang nurse. Na­kapagtrabaho na rin ako sa isang pampubli­kong ospital dito sa Pili­pi­nas, ngunit, sobrang liit ng suweldo ko, kaya min­san ay naso-short ang budget namin. Napagde­sis­yunan kong mag-re­sign, kaya ngayon ay nag­tatrabaho ako bilang ma­nager sa isang fastfood chain. Kun­tento na ako dahil naka­kayanang tus­tusan ng suweldo ko ang panga­ngailangan ng a­ming pa­milya, pero alam kong hin­di ito ang gusto kong gawin. Balak ko sa­nang mag-resign na at mag-abroad na lang dahil doon ay in-demand ang mga nurse. Anong maipa­payo ninyo sa akin, Roma? Ma­raming salamat! — Jay

Jay,

Pag-isipan mong mabuti ang iyong magiging desis­yon dahil hindi madali ang bumitaw sa trabaho na ka­salukuyang bumubuhay sa pamilya mo. Ngunit, kung ang pagbalik mo sa pagiging nurse ang talagang gusto mo, eh, sundin mo ‘yun, bas­ta siguraduhin mo lang na sapat ang magiging su­weldo mo nang sa gayun ay hindi ka na masyadong mag-alala pa sa pinansiyal na panga­nga­ilangan ninyo ng pamilya mo. Mainam kung makiki­pag­sapalaran ka dahil tiyak na mas malaki ang kikitain mong pera sa ibang bansa. Good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.