Search
  • Pabs Hernandez III

2 minero todas sa tunnel

SOUTH COTABATO—Dalawang minero ang namatay nang ma-suffocate sa tunnel ng isang minahan, kamakalawa sa Bgy. Kematu, T’boli sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga biktima na sina Melvin Calan at Dino Lugan, kapwa residente sa nasabing bayan.

Nabatid na pumasok ang dalawang biktima sa tunnel ng minahan, pero hindi na nakalabas.

Agad sumaklolo ang ibang minero, pero bangkay na nang mailabas sa tunnel ang dalawang biktima at base sa imbestigasyon, na-suffocate sina Calan at Lugan at ito ang naging sanhi ng kanilang kamatayan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.