Search
  • Nitz Miralles

Never daw nag-diet, Anne… JASMINE, UMAMIN NA KUNG BAKIT BIGLANG-BAGSAK ANG KATAWAN

Sinasagot ni Jasmine Curtis-Smith ang makukulit na netizens na paulit-ulit ang tanong kung bakit pumayat siya. Stressed daw ba siya?

May nagpayo pang dapat kumain pa siya ng marami para tumaba.

Sa tanong kung nai-stress ba siya, “Hindi,” ang maiksing sagot ni Jasmine.

Sa mga sumunod na comments tungkol pa rin sa pagpayat niya, pare-pareho ang sagot ni Jasmine na “Is this meant to make a person feel good about themselves?”

Mabuti at may mga nagtanggol kay Jasmine at sinabihan ang mga pakialamerang hayaan kung ano ang gusto ng younger sister ni Anne Curtis. May nag­tanong pa nga kung paano siya pumayat para magaya?

Ang naalala namin, nabang­git ni Jasmine sa interview na­min sa taping ng Pamilya Roces na pumayat siya nang tumulong sa paghahanda sa wedding nina Anne at Erwan Heussaff, pero wala siyang sakit and she’s happy with her weight.

Saka, kumakain siya at hindi nagda-diet, kaya tigilan n’yo na ang mga tanong kung bakit siya pumayat.

Samantala, inaabangan sa Pamilya Roces ang mga eksena nina Jasmine at Gabbi Garcia dahil laging may away at isyu. At kung si Jasmine, under acting, si Gabbi ay laging hyper, ka­ya nakikita ang pagkakaiba ng acting nilang dalawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.