Search
  • Maeng Santos

Mag-asawa niratrat ng riding-in-tandem

DEDO ang 57-anyos na encoder ng Registry of Deeds habang kritikal naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng riding-in-tan­dem sa Valenzuela City, ka­hapon ng umaga.

Dead-on-the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan si Emiliano Matias Denilla ng Bgy. Big­nay, habang ang kanyang misis na nagtatrabaho rin bilang encoder ng Registry of Deeds sa Meycauayan, Bu­lacan ay patuloy na gina­gamot sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, alas-7:30 ng umaga nang pagbabarilin ng dalawang hin­di kilalang mga suspek na sakay ng motor­siklo ang mag-asawa ilang metro ang layo mula sa kani­lang bahay.

Sinabi ni Sr. Supt. Poklay na ang na­sawing biktima ay hindi empleyado ng local go­vernment dahil ang Re­gistry of Deeds ay nasa ila­lim ng administrative super­vision and control ng Land Re­gis­tra­tion Authority (LRA), isang ahensiya na naka-attach sa De­partment of Justice. (DOJ).

Patuloy naman ang fol­low-up operation ng mga pulis upang matukoy ang pagka­ka­kilanlan ng mga sus­pek at maaresto habang ina­alam pa ang motibo sa insi­dente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.