top of page
Pokwang.jpg

Karnaper todas kay tserman

Levi Gonzales
Nov 8, 2018
1 min read

PATAY ang isang karna­per habang arestado ang ka­sama nito matapos habulin at barilin ng tserman sa Bgy. Del Carmen, Alaminos, La­guna.

Pasado ala-1:00 ng ma­daling-araw nang ipinarada ng biktimang si Apolonio Bigal ang kanyang motor­siklo sa kanyang garahe nang tangayin ng dalawang sus­pek na sina alyas Milbert at Joven Montefalcon.

Agad nakahingi ng tu­long sa barangay officials ang biktima at pagpasok pa lamang sa Bgy. San Juan, nagkaroon na ng pagkaka­taong sitahin ang mga sala­rin pero sa halip na sumuko ay mabilis din silang tuma­kas.

Hanggang sa mauwi sa habulan at pamamaril na iki­nasawi ng isa sa mga sus­pek.

Isinugod pa ito sa ospital subalit, idineklarang dead-on-arrival habang naaresto ang kasama nito at narekober ang kanilang tinangay na mo­torsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page