HOROSCOPE | NOBYEMBRE 8, 2018 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 8, 2018 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ang totoo, darami pa ito at dahil malalaki ang mga suwerteng mapasasaiyo, susuko ang mga karibal mo na lihim at lantad na tumatapak sa iyong pagkatao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mali ang akala mo na hindi ka mapalad ngayon. Wala sa malayo ang mga suwerte mo dahil malapit lang ito sa iyo, kaya huwag mo na itong hanapin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-18-29-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ang iyong mga alahas dahil ngayon at sa ilan pang mga araw na darating, ito mismo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-23-28-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang unang pumasok sa isip mo, gawin mo ito kaagad. Makaaasa ka na ang mga suwerte ay darapo sa iyo kung saan hindi mo na kailangan pag-aralan nang matagal ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-28-30-35-42.
CANCER (June 21- July 22) - Kung sino ang mabait, siya ngayon ang panggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Umiwas ka sa mga mahihilig sa away. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-28-30-38-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magugulat ka dahil ang pampasuwerte mo ay simple lang, ito ay ang tumayo ka nang matuwid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-17-25-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makagaganda sa iyo kapag hindi ka kumilos. Ang panghatak mo sa magagandang kapalaran ay ang iba’t ibang klase ng aktibidad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-21-28-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang pinakabago mong damit dahil ito ang magsisilbing pampasuwerte mo na nagsasabing ang mga bagong magagandang kapalaran ay magdaragsaan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-13-22-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na ang iyong pampabuwenas ay ang metal na bagay na iyong iniingatan. Dapat mo itong hawakan nang matagal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-14-29-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit. Tumitig ka lang at sabihin mo ang mga gusto mong mangyari sa iyong buhay. Makaaasa ka na ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-29-31-36-40-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda kung mahuhuli ka sa usapan, kaya huwag kang babagal-bagal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-12-26-32-36-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka, pero huwag kang magagalit kung malamangan ka dahil ang kondisyon para mapasakamay mo ang malalaking suwerte ay ang pagiging mapagbigay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-16-17-25-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maniwala ka sa iyong sarili at huwag sa ibang tao. Kapag malaki ang bilib mo sa iyong mga kakayahan, ang naglalakihang magagandang kapalaran ay guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-27-30-31-45.




Comments