top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

GM CARUANA, MAY IBUBUGA BA KAY CARLSEN SA WORLD CHESS C’SHIP?

Eddie M. Paez, Jr.
Nov 8, 2018
1 min read

MAPAPANATILI ba ni Grandmaster Magnus Carlsen ng Norway ang korona o masisingitan siya ni Italian-American GM Fabiano Caruana para buhayin ang alaala ng pagiging hari ni Bobby Fisher? Magkakahugis ang sagot sa tanong na ito kapag nagsimula na ngayong Nobyembre 9 sa London ang salpukan ng dalawang elite warriors sa 2018 World Chess Championship.

Si Carlsen ay hindi na pinagdududahan sa kanyang husay sa larangan ng standard chess, rapid chess at blitz at ito ang nagpapanatili sa kanya sa trono ng world chess ng may katagalan na ring panahon. May pamatay siyang FIDE rating na 2835 sa standard chess; 2880 sa rapid chess at 2939 sa blitz. Ang mga numerong ito ay numero uno sa buong mundo sa kasalukuyan. Naging Grandmaster si Carlsen sa edad na 13 taon at 4 buwan at naging hari ng ahedres sa buong mundo sa nakalipas na limang taon.Mabilis namang nawawala ang pagitan nina Carlsen at ni Caruana pagdating sa standard chess. Sa ngayon ay tatlong puntos na lang ang layo ng kanilang rating at hindi nagpapakita ng pangingilag si Caruana sa Norwegian champion kung kaya’t umaasa ang chess aficionados na mainit na 12 rounds ng championship chess.

Samantala, sa FIDE rankings na ipinalabas ngayong Nobyembre, nasa pangatlong puwesto si Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan (Rating:2817), tangan ng Intsik na si GM Ding Liren ang pang-apat na baytang (Rating: 2816) at nasa panglimang posisyon si Dutch GM Anish Giri (Rating: 2780).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page