top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DOUBLE SUNRISE, PAMOSTE

Green Lantern
Nov 8, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

TAMPOK nga­yong araw ng Huwebes ang Condition at Group races na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite kung saan ay pitong karera ang naka-line up.

Dito sa Race 1 iposte na agad natin si Double Sunrise, (1), 1,200 meter race lang kasi at kaya niya ito, pamorkas natin si Tapped It, (8) o Sunday Surprise, (4).

Pili na lang tayo kina Dinalupihan, (2) at Wannabe, (4) sa Race 2. Sa Race 3 magtatlo na tayo, sina Boss Gee, (2), Toscana, (10) at Show Off, (4) para sa ating Winner Take All.

Single ulit sa Race 4, kay Real Flames, (3) tayo pero kung may gusto pa kayong kunin eh magandang dehado si El Mundo, (2).

Kay Unbroken, (9) ako sa Race 5 pande­hado natin si Battleground, (6). Kursunada ko sina Blue Sapphire, (9), Pilya, (3) at Hot Lay Up sa Race 6.

Habang sa Race 7 ang huling karera ngayong araw sina Battle Chacha, (3) at magkakuwadrang Jazz Jewel, (4) at Hot Dog, (4A0 ang pili natin, dagdag n’yo si River Mist baka makasikwat ng karera, dehado ‘yan. Mga tropang karerista sana magabayan kayo ng tip natin ngayong araw. Good Luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page