Search
  • Gina Pleñago

Bag naiwan sa restoran, binalikan | BABAE TIMBOG SA DRUGS


NABISTO sa loob ng pouch ng babaeng massage therapist ang umano’y iligal na droga at drug parapher­nalia sa naiwang pouch sa loob ng restoran sa Makati City.

Nasa kostudiya ng Ma­kati City Police ang suspek na si Sandra Mirasol, 32, ng Dalig, Cardona, Rizal.

Nagsilbing complainant naman si Jay-Ar Cmesario, 28, binata, team member ng Kenny Rogers.

Sa ulat na natanggap ni SPD Supt. Jenny Tecson, na­ganap ang insidente sa loob ng restoran sa pagitan ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Sa imbestigasyon, nai­wan umano ni Mirasol ang kanyang itim at gold pouch sa loob ng restoran kaya agad na itinurnover sa gu­wardiya alinsunod sa pro­tocol, dito sinuri at nadis­kubreng nag­lalaman ito ng aluminum foil strip, selyadong pakete na umano’y shabu at dalawang disposable lighters.

Agad namang ipinaba­tid sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP-6) ang nasabing insidente.

Binalikan ng ba­bae ang naiwang pouch at dito na siya hinuli ng mga pulis.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.