Search
  • BULGAR

TORNADOES, BINUHAWI ANG HD SPIKERS SA PSL

NAGPAKAWALA ng malakas na laro ang Foton Tornadoes upang dominahin ang Cignal HD Spikers, 25-15, 18-25, 25-22, 25-20 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Bumida sa laban sina CJ Rosario at Mina Aganon nang balikatin ang Tornadoes mula sa malamyang second set tungo sa ikalawang straight victory sa prestihiyosong women’s club tourney. Bumakas si Rosario ng 13 kills, 2 blocks at 2 aces at tumapos ng 17 points habang si Aganon ay may 14 hits sa Foton na medyo nahirapan dahil wala ang magkapatid na frontliners na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat.

Hindi nakalaro ang mga higanteng sina Santiago at Manabat sa season-ending conference na ito ng ESPN5 dahil naroon sila sa V. Premier League ng Japan ngayon.

Pero ayon kay Foton head coach Aaron Velez patuloy pa rin naman ang progreso ng kanilang laro. “I think we were able to get back to our system,” ani Velez, na inasahan din ang tulong John Abella sa off-season.

“We’re still trying to figure out how to be consistent. But, I also think were able to tap our energy and momentum down the stretch.” Sinabi ni Velez na gumawa sila ng ilang pagbabago sa position para makade­pensa sa HD Spikers.

Inasahan si Rachel Anne Daquis, ang newly-crowned league ambassador sa game-high 21 puntos at 13 digs habang si national team stalwart Mylene Paat ay dumagdag ng 17 hits para sa HD Spikers, na dumanas ng ikalawang talo sa tatlong laro. (MC / VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.